5.25.2006

"Agony"

pinapanood kita mula sa labas ng bintana habang nakatingin sa kawalan.
Para sayo, bawat araw ay walang pinagkaiba mula sa nagdaan.
Magulo. Mapanlinlang. Nakahandusay ka sa isang upuan. Pagod. Sa paghinga, sa buhay.
Tinatawag kita pero hindi mo ako nakikita.. O baka sadyang ayaw mo lamang akong makita..

Pinapakinggan ko ang iyong mga hikbi habang ikaw ay umiiyak.
Pinaniwala mo ang ibang tao, ang sarili mo, na ikaw ay malakas.
Ngunit alam mo sa iyong puso na mayroon kang kahinaan.
Sa iyong inaakalang pagiisa patuloy na umaagos ang mga luha sa iyong mga mata. Sige lang..
Hayaan mong pumatak, hayaan mong ilabas nito ang kalungkutang matagal nang nananahan sayo.
Nais kitang lapitan. Nais kong saluhin ang bawat butil ng iyong pagdurusa.
Ngunit alam kong hindi mo ako hahayaan.. :c

Ganunpaman, hinanap ko ang pintuan. Kumatok ako. Isa, dalawa, tatlong beses – ngunit ‘di mo ako marinig sa kabila ng aking mga sigaw na ako’y iyong pagbuksan.
Tila nilamon ka na ng katahimikang bumabalot sa iyong paligid,
O baka sadyang ayaw mo lang akong marinig.. =c

Patuloy kitang pinagmasdan mula sa aking kinalalagyan.
Nasaksihan ko ang pagpulot mo sa ngayo’y pira-pirasong bahagi ng iyong sarili.
Isa akong walang kalaban-laban na miron na nakatitig mula sa labas ng bintana.
Gusto kitang tulungang buuin ang mga bubog ng iyong pagkatao na animo’y habambuhay bago maging isa muli.
Mahirap pero gagawin ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula pero susubukan ko.
Pinipiit kitang abutin ngunit sadyang napakalayo mo.. o baka sadyang ayaw mo lang magpaabot..

Nanghina ako. Napaupo. Mistula akong inutil na walang magawa para sayo.
Ni hindi ko manlang naaninag ang mga pagdurusa mo na sa araw-araw ay hindi gumagaling bagkus ay bumubukas ang mga sugat na nagpapatumba sayo. Mga sugat na isa rin ako sa nagdulot. Ang hindi mo alam, sa tuwing nasasaktan ka, nasasaktan din ako. Kung sana’y nalalaman mo ang iyong halaga.
Hindi mo siguro naramdaman na wala kang kwenta para sa akin.

Ako ang walang kwenta sa pagpaparamdam nito sayo.
Wala akong kwenta dahil hindi man lang kita maibangon.
Wala akong kwenta dahil hindi kita matulungan.
Wala akong kwenta dahil masyado akong abala sa sarili ko kaya hindi ko napansin na nahihirapan kana.

Kung sana nakikita mo rin na magulo ang mundo ko.
Kung sana naririnig mo rin ang mga iyak ko.
Kung sana pinagmamasdan mo rin ang ginagawa kong pagbuo sa sarili ko.
Baka sakaling maintindihan mo ako..

Ngunit wala akong sasabihin.
Wala kang makikita, maririnig o mararamdaman.
Pipiliin kong magpanggap na ang lahat ay normal dahil kailangan mo ako.
Kahit pa masakit para sa akin na Makita ka.
Masakit dahil paulitulit kong naririnig ang boses mo na nagpapaalala sa akin ng mga bagay na hindi ko nagawa para sayo.
Pero kailangan rin kita. Kailangan ko ring maramdaman na andyan ka –
kahit kulang rin ako, kakayanin kong mag-isa hanggang Makita kong buo ka. Ikukubli ko ang lahat ng aking pagiyak sa harpan mo. Patuloy na ngingiti, tatawa..

kahit pa ako rin ay nagdurugo, namamatay..

gawa mo..